NOTE TO PAPA
June 21, 2011
insightsandeyesights
On this Father’s Day, I want to take a moment to honor you for being such a great Father. These are the things I tried to embed the feel into my memory through the years as someday I know I’ll write a blog about missing you. And that someday is today.
1. Namulat ako na ikaw na ang kakampi kahit sa anong bagay. Sabi nga ng mga kapitbahay you spoiled me daw kaya maldita ako. Ang di nila alam may pinagmanahan lang ako… and hindi sau kundi kay Mama.. (LOL)
2. Maraming beses na sinisira ko ang bakod na made out of bamboo mo kakalusot ko para mangapitbahay. kaya ginawa mo nilakihan mo na ang space para makalusot ako.
3. Wala kang wallet all your life. Kasi your a typical husband na lahat nakaintrega sa asawa ang pera. Kaswerte naman ni mama. hahahaha
4. Alam ko kapag may LQ kau ni mama kasi laging lechon ang ulam para manuyo ka. Kaya minsan pinagpray ko na sana lagi na lang kayong LQ.
5. Ang pogi pogi mo tuwing Sunday. Dinaig lahat ng congressman sa porma sabay naka pamada at ang pagkabaho bahong jovan perfume mo.
6. Dahil sa pagka overprotective mo sa akin, lahat ng bday parties at fiesta na invited ako ng mga high school classmate ko ay kasama ka.
7. Nung first year college na at gusto ko manood ng sine na Casper the friendly ghost with my friends, sinamahan mo pa din ako. Pero enjoy naman ako kasi marami tayong baon
8. Sa bawat umagang paggising namin, walang paltos na nakahanda na ang inuming gatas at sinangag for almusal.
9. Nung time na gusto ko din magbaon ng longganisa na ayaw mo bilhin dahil sabi mo nakalagay sa plastic at baka di matunaw sa tyan ko pero nag give way ka pa din kasi gusto mo din matikman.
10. Ikaw na laging taga shine ng aking dalawang sapatos na pampasok, at taga suklay ng mahaba kong buhok pag tinatamad ako.
11. Pag sinabi ko sayo na first honors ako mag give way ka for Mama na umakyat at magsabit ng ribbon kasi pag 2nd honor ako ikaw naman.
12. Sa tuwing sembreak at uuwi ako, lagi mo akong binibili ng lahat ng paborito kong ulam. At masaya ka ng tinitingnan lang ako
13. Mapasantol, bayabas, mangga, you would always try to give me the biggest one kasi alam mo na gusto ko lagi ako special.
14.We dined out nung una kong sweldo sa isang japanese restaurant and di ko makakalimutan kung pano ka namroblema sa chopstick pero cge lang kasi sabi mo nga experience din yun.
15. Ikaw na umiiyak sa tuwing pinapadalhan kitang bday card at father’s day card. Ngayon kaya umiiyak ka din habang binabasa mo itong blog ko?
16. Nakakamiss din ang mga animated stories mo about sa mga weddings na ninong ka. At mga new experiences mo.
17. Ikaw na taga update ko sa lahat ng tsismis sa paligid mo with matching comments na gumugulong ako sa tawa.
18. Ikaw na laging nagsasabi sa akin na ako na ang pinaka lucky dahil sa dami na ng naexperience ko na di pa naeexperience ng iba.
19. Nung araw na nalaman ko wala ka na, i toured you sa office ko at sa bahay ko kasi alam ko kasama kita. Pinatunog mo pa nga trash can ko. And i showed you na because of you narating ko na lahat ng dreams ko. Na gusto kong maging masaya ka sa pag alis mo knowing na hindi nasayang lahat ng pinaghirapan mo.
20. never ka nakialam sa lovelife choices ko pero nag sa side comments lang at times. Pero nung pinakilala ko na sayo si K at nag i love you daddy sau, alam ko nakuha nya na agad ang puso mo kasi napa i love you back ka din. hehehehe
21. When I saw you sa coffin mo resting peacefully umurong lahat ng luha ko. Parang pinigilan mong pumatak kasi i remember na ayaw na ayaw mo akong nakikitang umiiyak.. Pero Pa ang gusto mo pala gradual lang ang patak kasi feeling mo siguro one time luha lang ang ipapatak ko. Well mali ka, kasi sa tuwing naaalala kita kusa na lang syang pumapatak.
22. Nung pinasyal ko sina mama and Jun sa ibang bansa at sa mga lugar na di pa nila nakikita, naisip na naman kita. lahat ng tables sa mga restaurant lagi na lang may isang bakante. Para namang sinasadya ng waiter na reserve para sayo. Na da diet tuloy ako kasi pano ka ba naman makakain na parang tutulo na luha mo at magiging sabaw. But i know you were with us doing some tricks, for us to feel your presence.
23. Hindi na ako nanghihinayang ngayon na di mo naranasan makapasyal man lang sa lahat ng napuntahan ko kasi i know lagi pa din kitang kasama. At least libre ka na sa airplane at visa processing.
I lost you 3 years ago but I still have days and moments when I am consumed with grief and i cannot understand why it happened so soon. Its life altering and its something i will never forget or get over. I know that this experience has change me forever. Just remembering all the good times we shared and all the love you gave me throughout all those years. You will definitely live in my heart forever. I love you Papa.
Entry Filed under: Uncategorized
Leave a Reply
Trackback this post | Subscribe to comments via RSS Feed
